Abante Tonite Interactive

Horoscope 03/24/2018

357

ALJUR ABRENICA

Birthday:
March 24, 1990

He’s Aggressive
Agresibo at gusto na laging nasusunod ang gusto. Masarap kausap ang Aries man dahil sa malawak na kaalaman sa mara­ming bagay. Subalit kapag nakanti o na­saling ang pride nito, mahirap nang mapakalma ang lala­king Aries. Medyo lalabas na ang yabang pero sa totoo lang, down to earth at mada­ling pakisama­han ang isang ­Aries man.

ARIES (March 21-April 19) – Gusto mong magtago na hindi mo da­ting ginagawa. Kung wala sa mood, mas okay na magtulog nang maghapon. Mas lalabas ang magandang personalidad kapag nagsuot ng matingkad na kulay. Lucky color: Red, lucky number: 23.

TAURUS (April 20-May 20) – Mabubusog sa sobrang pagmamahal ng kasuyo. Lalong magiging close sa mga taong nasa paligid. Mas makikila ngayon kung sino sa mga kaibigan ang tunay at peke. Lucky color: Blue, lucky number: 11.

GEMINI (May 21-June 20) – Mai-impress ang boss sa magandang ginawa. Ihanda ang paliwanag sa nabukong pagsisinungaling. Pasalubungan ng paboritong pagkain ang kasuyo na nagtatampo. Lucky color: Silver, lucky number: 32.

CANCER (June 21-July 22) – Hindi pa nga­yon ang tamang panahon para bumukod. Kailangan mo pa ng suporta at masasandalan. Huwag pairalin ang pride sa panahon na kailangan ng tulong ng ibang tao. Lucky co­lor: Green, lucky number: 27.

Related Posts

LEO (July 23-August 22) – Alamin ang buong kuwento bago ka magalit. May mga bagay na hindi sinasabi sa iyo. Mas mabuting idaan sa masinsinang pag-uusap ang tampuhan. Magiging malaya ang isip bago matapos ang araw na ito. Lucky color: Gray, lucky number: 41.

VIRGO (August 23-September 22) – Huwag takbuhan ang responsibilidad. Unawain ang kasamang naguguluhan. Ikaw at wala nang iba ang tanging makakatulong sa kanya. Lucky co­lor: Peach, lucky number: 30.

LIBRA (September 23-October 22) – Buksan ang pintuan sa isang bisita. Babalik ang mga nakaraan. Kung hindi kumportable, sabihin sa kausap ang nararamdaman. Kailangan nang tapusin ang usapan para makapagsi­mula na ulit. Lucky color: ­Yellow, lucky number: 47.

SCORPIO (October 23-November 21) – Huwag tumigil dahil malapit nang maabot ang pangarap. Lakasan ang loob at dagdagan ang pagtitiis. May magandang resulta ang naging pagsisikap. Lucky color: Red, lucky number: 2.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Maiipit sa isang sitwasyon na hindi mo inaasahan. Huwag matakot na humingi ng tulong. Ang good news dito, may isang tao na lalapit at mag-aalok ng tulong. Ikakagulat mo ang pagdating ng taong ito. Lucky co­lor: Maroon, lucky number: 7.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Sob­rang pagod ang mararamdaman sa araw na ito. Itigil muna ang lahat ng ginagawa at magpahinga. Hindi mo ma-e-enjoy ang pinaghirapan kung naka­higa at may sakit. Labanan ang sobrang kalungkutan na nararamdaman. Lucky color: Violet, lucky number: 30.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Medyo feeling senti sa araw na ito. Subukang mag-alaga ng pet para malibang. Kailangan mo ng constant na kausap. Alisin ang negativity sa isipan. Lucky co­lor: White, lucky number: 45.

PISCES (February 19-March 20) – Paborable ang araw na ito sa lovelife at career. Walang problema sa pagsasama maliban sa kaun­ting selos pero kuwidaw ka dahil baka maging mala­king problema ito sa hinaharap. Bantayan ang kasama na laging umaalis nang walang paalam. Lucky color: Orange, lucky number: 9.