Abante Tonite
Mabilis sa Balita

83rd UAAP hamon sa La Salle – Suplido

0 285

Nasa kainitan man ngayon ng COVID-19 na sinabayan pa ng pagsara ng TV coverage partner na ABS-CBN, siniguro ng De La Salle University na paghandaan pa rin ang pagiging host nila sa parating na University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 83.

Aminado mang malaking hamon ang kanilang susuungin, tiniyak ni UAAP board of trustees (BOT) chairman Bro. Raymundo Suplido na ngayon pa lang kikilos na ang Green Archers.

“We have to move ahead and we face very challenging times for Season 83,” ani Suplido kamakalawa.

“We have to do so with courage and fortitude because many challenges are ahead of us.” (Aivan denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.