Abante Tonite Interactive

84-anyos na lola nagulungan ng tractor

162

Dead on-the-spot ang isang 84-anyos na lola matapos mahagip ng tractor truck habang papatawid sa kalsada kung saan nagulungan pa sa kahabaan ng Amang Rodriguez Avenue, Barangay Santolan, Pasig City, Biyernes nang hapon.

Sa nakalap na report sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director P/BGen. Johnson C. Almazan, nakakulong ngayon sa Pasig detention cell ang suspek na si Jetro Tuyor y Dumaguing, 29, driver ng Fuso Tractor head na may plakang AWA 3474.

Nahaharap ito sa kasong reckless imprudence resulting in homicide matapos mapatay si Bella Gamboa, 84, ng Brgy. Parang, Marikina City na nagkalasog-lasog ang katawan.

Sa report ng Pasig Police, naganap ang aksidente alas-3:50 Biyernes nang hapon sa habang papatawid ang biktima nang mahagip ng trak na naging dahilan ng pagtumba ng matanda. Sa kamalasan ay nagulungan pa ng unahang kaliwang gulong kaya nalasog na siya niyang agarang ikinamatay. (Vick Aquino)