Abante Tonite
Mabilis sa Balita

84 BI exec swak sa Ombudsman

0 266

PUMALO na sa 84 immigration personnel, kabilang ang mga dating airport chief na sangkot diumano sa ‘Pastillas’ gang ang mahaharap sa kasong graft sa Office of the Ombudsman, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI).

Nakatakdang maghain ng kasong criminal ang NBI-Special Action Unit (SAU) laban sa 84 dati at kasalukuyang empleyado ng Bureau of Immigration, base sa mga dokumento na nakalap ng mga imbestigador na pinamunuan ni Special Investigator Joel Otic.

“Based on documents gathered the Pastillas members are wide spread in the airport and the intense recruitment took place in 2017, during the surge of arrivals of Chinese nationals,” ayon sa isang imbestigador. Paliwanag nito, wala umanong pagpipilian ang mga founder ng Pastillas group kundi palawakin ang kanilang mga miyembro dahil sa pagdami ng mga dumadating na Chinese national.

“The long lines of Chinese national arrivals, lining up before a member of Pastillas was getting attention, they had no choice but to include other immigration officials in the group,” aniya.

Modus umano ng mga ito na papilahin ang mga Chinese na nagbayad sa Pastillas sa mga tinalagang immigration officer para madaling makapasok sa bansa.

SM food to go Banner Ad

“No scrutiny of the passports and no questions, everything was arranged,” ayon sa imbestigador.

Ang iba pang Pastillas member ay kinilala sa pamamagitan ng mga dokumento na nakalap mula sa iba’t ibang government agency tulad ng Department of Foreign at time record ng bureau.

Kabilang umano sa kakasuhan ng NBI-ay sina dating Ports Operations Division chief Marc Red Mariñas; chief of the Travel Control and Enforcement Unit Erwin Ortañez; gayundin ang mga tauhang sina Glen Comia, Bien Guevarra, Danieve Binsol, Anthony Lopez, at Arlan Mendoza.

Kasama rin sa bagong reklamo na nakatakdang isampa ng NBI si Fidel Mendoza, dating chief of staff ni Mariñas.

Una nang tinuro ng whistleblower na si Immigration Officer Allison Chiong na lider ng ‘Pastillas’ scheme sina Mariñas at Ortañez.

Sa serye ng Senate hearing na pinamunuan ni Senador Risa Hontiveros, dineklara niya na nakapagbulsa ng P40 bilyon bribe money ang mga korap na opisyal ng immigration simula noong 2017. Dagdag niya, nasa 4 milyong Chinese na umano ang nakapasok sa bansa simula ng parehong taon. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.