Abante Tonite
Mabilis sa Balita

84 OFW galing UAE positibo sa COVID

0 105

Nasa 84 overseas Filipino worker (OFW) na inuwi mula sa United Arab Emirates (UAE) ang kasalukuyang ginagamot sa quarantine facility matapos na magpositibo sa COVID-19, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Miyerkoles.

“We have recorded 84 OFWs that have tested positive onboard repatriation flights. The number is mixed for repatriation and commercial flights coming from the UAE,” pahayag ni DOLE International Labor Affairs Bureau Director Alice Visperas sa isang virtual forum.

Kabilang aniya ang 84 sa mahigit 2,700 OFW na dumating sa bansa mula Mayo 15 hanggang Hulyo 7, galing sa mga bansang may travel ban ang pamahalaan ng Pilipinas.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“From the total of 2,753 OFWs that arrived at NAIA. From red-flagged countries meaning from India, Pakistan, Bangladesh, Nepal, Sri Lanka, UAE, and Oman, 84 OFWs tested positive for Covid-19 all coming from the UAE,” ani Visperas.

Hindi pa batid kung bakunado na ang mga naturang OFW na tinamaan ng COVID. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.