Abante Tonite
Mabilis sa Balita

84% Pinoy takot maturukan ng COVID vaccine

0 73

Lumabas sa resulta ng survey na 95 porsyento ng mga Pilipinong nasa wastong edad ang ayaw magpabakuna kontra COVID-19 dahil sa isyu hinggil sa kaligtasan o pagdududa na mas makakasama pa ito sa kanilang pangkalusugan.

Lumilitaw na bagama’t 95% ng mga Pinoy ang aware o nakababatid na may bakunang dini-develop laban sa virus, 84% dito ang nagsabing hindi sila magpapabakuna.

Habang nasa 7% naman ang nagsabi na nangangamba silang hindi libre ang bakuna, 5% ang naniniwalang hindi naman kailangan ang bakuna para malabanan ang sakit at 4% ang nag-aalalang baka mahal ang bakuna.

SM food to go Banner Ad

Sa mga nagsabing hindi sila magpapabakuna, 45% ang mula sa Luzon, 55% naman sa Visayas, at 48% mula sa Mindanao.

Sa Metro Manila, 41% ng mga na-survey na residente ang nagsabing ayaw nilang magpabakuna.

Ginawa ng ng Pulse Asia ang survey mula Nobyembre 23 hanggang Disyembre 2, base sa sample ng 2,400 adult. Kasunod ito nang inaasahang nalalapit na pagdating ng COVID-19 vaccine sa bansa. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.