Abante Tonite
Mabilis sa Balita

84 video karera, fruit game winasak sa Las Piñas

0 66

Walampu’t apat na video karera at fruit games na nakumpiska sa iba’t ibang lugar sa lungsod sa ilalim ng pinaigting na anti-illegal gambling operation ang winasak kahapon ng Las Piñas City Police Station.

Nabatid sa Las Piñas City government na nasa 84 bilang ng nasabing mga palaro ang sinira kung saan nakumpiska ang mga ito mula noong buwan ng Hulyo hanggang unang linggo ng Setyembre.

Ang naturang pagwasak sa iligal na video games ay sinaksihan mismo nina National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Police Major General Debold Sinas at Southern Police District Office (SPDO) District Director Police Brigadier General Emmanuel Peralta.

Leave A Reply

Your email address will not be published.