Abante Tonite
Mabilis sa Balita

841 toneladang basura nahakot sa Marikina, San Mateo

0 129

Mahigit 3,014 cubic meter ng mga basura na katumbas ng 841.34 tonelada ang nahakot ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) hanggang noong Linggo, Nobyembre 22, matapos ang pananalasa ng bagyong `Ulysses’ sa Marikina City at sa San Mateo, Rizal.

Base sa pahayag ng ahensya nitong Lunes, sinabi ni MMDA Metroparkways Clearing Group head Francis Martinez na aabutin pa ng ilang linggo bago nila tuluyang malinis ang mga basura at putik na dala ng pagbaha sa Marikina at San Mateo sanhi ng bagyong `Ulysses’.

Aniya pa, minamadali na nila ang paghahakot ng mga basura dahil nagsisimula nang mangamoy ang mga ito.

Base pa aniya sa kanilang pagtaya, ang mga basurang posibleng mahakot nila sa Marikina City ay katumbas ng isang taon ng nahahakot ng ahensya dahil sa libu-libong tahanan ang sinalanta ng bagyo sa naturang lungsod.

Leave A Reply

Your email address will not be published.