Abante Tonite Interactive

Horoscope 04/23/2018

208

Angel Locsin
Birthday: April 23, 1985

Kalmado at parang hindi naga­galit. Alam ng Taurus wo­man kung papaano babalansehin ang buhay. Mahilig sa nature at walang ibang hinahangad kundi ang tumira sa isang makulay at kumportableng lugar.

Kahit may pagka-pilya, hindi niya kailangang patunayan na matalino siya. Ang mga taong nakaka­usap nito ang makakapagpatunay na maga­ling ang babaeng ­Taurus. Maalaga at mapagpasensiya kaya masarap ­silang mahalin.

ARIES (March 21-April 19) – Makipag-­usap nang direkta, tapat at totoo. Kung may karelasyon, malapit nang umabot sa next level ang pagsasama. Ihanda na ang sarili sa anumang biglaang desisyon. Luck color: Maroon, lucky number: 3.

TAURUS (April 20-May 20) – Maganda sa kalusugan ang positive attitude. Malakas ang pakiramdam at mabilis mag-isip. Ituloy ang ­ginagawa dahil effective ito para sa iyo. Lucky color: Brown, lucky number: 8.

GEMINI (May 21-June 20) – Makukumpleto na ang research na ginagawa. I-­challenge ang sarili sa bagong lugar at paki­kisama. Maayos ang takbo ng relasyon kaya alisin ang anumang pagdududa. Lucky color: Green, lucky number: 54.

CANCER (June 21-July 22) – Magkakatotoo ang panaginip. Pero huwag agad gumawa ng konklusyon. Aralin ang mga simbolo na ipinahihiwatig sa iyo. May bagay na dapat ikonsidera para sa iyong kinabukasan. Lucky color: Blue, lucky number: 29.

Related Posts

LEO (July 23-August 22) – May kakaibang experience sa dadaluhang event sa ­komunidad. Maraming bagong makikilala. Isa dito ang magpapapansin sa iyo. Walang masama kung magkaroon ka ng bagong lovelife. Lucky color: Gray, lucky number: 9.

VIRGO (August 23-September 22) – Oras na para sarili naman ang ayusin. Mara­ming pinalagpas na magandang oportunidad. Kung hindi pa handa sa bagong kapalaran, magpalamig muna. Mag-e-enjoy sa bagong challenge kung kakalimutan na ang nakaraan. Lucky ­color: Red, lucky number: 1.

LIBRA (September 23-October 22) – Unahin muna ang lovelife dahil ito ang nagpapasaya sa iyo. Maganda ang magiging kapalaran sa kasalukuyang karelasyon. Buksan ang komunikasyon para maiwasan ang tampuhan. Lucky color: Green, lucky number: 33.

SCORPIO (October 23-November 21) – Mangingibabaw ang malakas na karisma. Nasa iyo naka-focus ang atensiyon ng marami. Dagdagan ang pasensiya sa mga kasama sa bahay. Sabayan ang pagbabago sa buhay para mas madali kang makapag-adjust. Lucky color: Pink, lucky number: 45.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Huwag agad magdesisyon kung nagtatalo ang isip at puso. Kalmahin ang sarili para mas makapag-concentrate. Tumingin sa pali­gid bago umalis ng bahay. Lucky color: Orange, lucky number: 31.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Mahihirapang itigil ang matagal na bisyo. Pero kung gugustuhin, magiging madali ito. Kailangang mag-adjust para sa kabutihan ng lahat. Lucky color: Silver, lucky number: 11.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Maglilipat ng bahay o magbibiyahe ka. Kung anuman ang rason ng pag-alis, pangatawanan mo ito. Mabilis kang mag-isip kaya madali sa iyo ang magdesisyon. Magpaalam lang nang maayos sa mga maiiwanan. Lucky color: White, lucky number: 22.

PISCES (February 19-March 20) – May makikita at maririnig na boses. Huwag matakot dahil hindi ka nababaliw. Alamin ang pahiwatig ng mensahe. May koneksyon ito sa galaw ng mga planeta. Kung hindi pa maintindihan, isulat na lang ito sa isang papel at saka na pag-isipang muli. Lucky color: Red, lucky number: 17.