Abante Tonite Interactive

Benjie ‘di umepal sa desisyon ng mga anak

By
4,531

All is well,” ito na siguro ang pinakamagandang balita ngayon sa showbizlandia, ang pagkakayos nina Andre at Kobe Paras sa kanilang nanay na si Jackie Forster.

With a lot of prayers and faith, sa tamang panahon at pagkakataon, ang mag-iina, nagkasama, nag-usap at sinimulang buuin muli ang kanilang mga relasyon. Binatang-binata na ang magkapatid na Paras at ang kanilang embracing and coming together episode with their nanay, patotoo na mahusay ang pagpapalaki sa mga ito.

For the longest time, marami ang turned off sa magkapatid kasi nga tila hindi sila naniniwala sa biblical commandment na “Honor thy father and thy mother.” Sangrekwang bashing, hating at vitriol ang pinukol at tinatanggap nila sa araw-araw kasi nga, tila matitigas ang kanilang puso at maigting ang damdamin nila para sa kanilang nanay.

Lahat ng sugat, ‘ika nga, naghihilom at ang kaganapang ito ay bonggang-bonggang pagpapatotoo. Pa­nalo rin para sa diva that you love ang ginagawa ni Benjie Paras, tahimik lang siya tungkol dito.

Halata at alam niyang tama na wala siyang dapat na sabihing opinyon o pamumuna sa muling pagkakamabutihan ng mga anak niya sa kanilang ina. Saludo kami kay Benjie sa pagrespeto sa desis­yon ng mga anak niya na wakasan na ang mahaha-haba na rin namang tampuhan nila kay Jackie.

Kung dati, ang dala­wa ang may ayaw sa makasama ang kanilang ina, ngayon si Kobe muna ang nagsimula, sumunod si Andre. Hindi rin naman siguro imposible na sa nalalapit na hinaharap, maging magkaibigan rin sina Jackie at Benjie, para na rin sa kanilang mga personal closure. Pareho na naman silang may mga new loves and children. Mas lalong “all is well” kung silang mga magulang ay maging maayos din ang relasyon bilang magkaibigan, bilang dalawang tao na hindi naman pwedeng itanggi na nanay at tatay nina Andre at Kobe.