Abante Tonite Interactive

Horoscope 05/02/2018

397

David Beckham
(English football player)
May 2, 1975

Sa kagustuhang maging maganda ang future at imahe, may tendency na maging materialistic ang lalaking Taurus. May pagka-possesive at controlling sa kanyang pamilya at lovelife kaya madalas na mauwi sa selos at paninisi hanggang sa masira na ang relasyon. Ibang klase kung magmahal na para kang masasakal.

ARIES (March 21-April 19) – Mauubos ang oras sa dami nang ginagawa. Biglang mag-iiba ng direksyon ng relasyon. Kung saan man ito papunta, huwag nang kontrolin. Hayaan na lang mangyari ang magaganap. Lucky color: Peach, lucky number: 44.

TAURUS (April 20-May 20) – Huwag matakot sa mga pagsubok. Kailangang mong malagpasan ang mga ito para sa sariling kapakanan. Marami sa pamilya ang handang sumuporta sa iyo.Lucky color: Orange, lucky number: 2.

GEMINI (May 21-June 20) – Gusto mong takasan ang reya­lidad. Maging committed. Bigyang halaga ang relasyon na malaki ang posibilidad na ma­ging forever. Lucky co­lor: White, lucky number: 50.

CANCER (June 21-July 22) – May haharaping gulo. Gamitin ang diplomasya para makaiwas sa away. Masosopresa sa isang balita tungkol sa iyong nakaraan. Lucky color: Maroon, lucky number:9.

LEO (July 23-August 22) – Aminin ang nagawang kamalian para makuha ang kapatawaran. Mabagal ang usad ng career. Magkakaproblema sa pera dahil sa luho. Bawasan ang pagiging magastos. Lucky color: Brown, lucky number: 31

Related Posts

Kulambo

VIRGO (August 23-September 22) – May matatanggap na pagkilala. Posibleng ma-promote sa trabaho. Planuhing mabuti ang pinapangarap at mag-focus. Mahaba pa ang lalakbayin. Lucky co­lor: Green, lucky number: 30.

LIBRA (September 23-October 22) – I-appreciate ang ginawang pagtulong ng isang kaibigan. Huwag matakot na ipakita ang originality. Mas mara­ming hahanga sa galing at talino. Lucky color: Gray, lucky number: 8.

SCORPIO (October 23-November 21) – Makakaramdam ng sobrang pagod dahil sa sunod-sunod na pro­ject. Huwag abusuhin ang katawan. Magpa­hinga at mag-relax. Isa sa matagal nang wish ang matutupad sa isang iglap. Lucky color: Yellow, lucky number: 28.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – May aral na gustong iparating ang isang pangyayari. Mag-share ng blessings. Bigyan ng pagkakataon ang isang tao na makilala ang totoong ikaw. Lucky color: Violet, lucky number: 7.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Mag-focus sa relasyon. Pagbuhusan ng atensyon ang mimanahal para mapunuan ang pagkukulang. Huwag hayaang malanta ang bulaklak na maganda.Lucky color: Red, lucky number: 54.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Magugulo ang isip sa isang nakaraan. Laba­nan ang takot at insecurities. Huminga nang malalim at tumingin sa mga bagay na may kulay. Lucky color: Maroon, lucky number:6.

PISCES (February 19-March 20) – Magtiwala sa sarili. May makakasalamuha na isang tao na magbibigay ng bagong direksyon sa buhay. Bigyan ito ng chance na matupad ang mga kanyang mga ipinangako sa iyo. Lucky color: Blue, lucky number: 9.