Abante Tonite
Mabilis sa Balita

86 lindol naramdaman sa Bulkang Taal

0 31

Nakapagtala ng 86 volcanic quake sa paligid ng Bulkang Taal sa naka­lipas na 24 oras, ayon sa ulat Philippine Institute of Volcanology and Seis­mology (Phivolcs) nitong Linggo.

Dahil dito, nananatili sa alert level 3 ang Bul­kang Taal at patuloy na minamatyagan ng ahen­siya ang mga ipinapaki­tang aktibidad nito.

Patuloy din umano ang pagbuga ng mataas na level ng volcanic sul­fur dioxide ng Bulkang Taal na umabot ng 5,466 tonelada noong Sabado.

Kaugnay nito, pinayu­han ng Phivolcs ang mga residente sa lugar na hin­di pa rin pinapayagan la­hat ng aktibidad sa lawa ng Taal at maging alerto sakaling kinakailangan lumikas kapag tumindi ang pag-aalboroto ng bulkan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.