Abante Tonite Interactive

Sabunutan nina Megan at Katrina havey!

By
3,918

Maganda pero deadly ang ilan sa mga description ng loyal Kapuso viewers sa dalawang bida ng Afternoon Prime series ng GMA na The ‘Stepdaughters’ na sina Megan Young at Katrina Halili.

The claws are out na kasi ang peg ng mga karakter nila na sina Mayumi (Megan) at Isabelle (Katrina) dahil sa nakaraang engkwentro nila, matinding sabunutan ang pinakita ng mga ito sa kanilang avid followers.

Ang resulta, ang fans sobrang shookt! Ayon sa ilang komentong nabasa namin, dama nila na parang totoong nagsasakitan na ang dalawa dahil kahit sila nadadala rito.

Abante Hiring – IT dep

Si Katrina, agad namang pinabulaanan ang dudang ito ng viewers at ibinahagi na napaka-sweet ni Megan off-cam. In fact, ang tawag nga nito sa kanya ay baby. Dagdag pa ni Kat ay sobrang kalog ni Megan kaya wala silang kaproble-problema. So kung ganun, isa lang itong patunay kung gaano sila kahusay sa kanilang performances.

Samantala sa nangyari sa kanilang mga karakter, mapaamin kaya ni Mayumi ang malditang si Isabelle na siya ang nagpapai­nom sa kanyang ina ng gamot para mabaliw? Abangan!