Abante Tonite Interactive

LJ ‘di lilipat, ayaw makita si Paulo

By
2,510

Hindi nagulat si LJ Reyes na lumipat sa kabilang network ang kaibigan niya at dating batchmate sa StarStruck na si Ryza Cenon.

Sey ni LJ, nang mag-Viva si Ryza ay parang anything can happen. She’s happy for Ryza na she’s given the opportunity at marami itong makaka-work na ibang artista sa kabila, so mas makakapag-explore pa raw ito.

Hindi naiisip ni LJ na lumipat dahil okey naman daw siya sa Kapuso network. Ayaw niyang magsalita nang tapos, pero sa ngayon ay walang mangyayaring gano’n and not in the near future.

Hiniritan namin si LJ na baka hindi niya rin talaga bet lumipat sa kabila dahil ayaw niyang magkita sila ng ex niya na si Paulo Avelino.

Ayon kay LJ, “Okey naman kami. Nakikita naman niya si Aki. Medyo busy lang siya (Paulo) ngayon. Ang ginagawa niya, binibisita niya si Aki sa school. Nagkikita nga kami (sa school, eh). Okey naman.”

Sa tanong kung nagbibigay ba ng financial support si Paulo sa anak nilang si Aki, parang ganu’n pa rin ang sagot ni LJ sa standard answer niya before.

“Huwag na nating pag-usapan ‘yon. Basta, okey kami. Nag-uusap naman kami,” dayalog niya.

Kapansin-pansin na tila mas close na si Aki sa nobyo ni LJ na si Paolo Contis kesa sa ama nitong si Paulo.

Ani LJ, mas madalas kasing magkasama sina Aki at Pao, pero eversince ay lagi niya raw sinasabi sa bagets na si Pau ang daddy nito.

Malinaw ‘yon kay Aki, pero totoong love daw nito ang Tito Pao dahil maalaga ito sa bagets.

Kailan matatawag ni Aki na Papa Pao si Paolo Contis?

“Lord, hindi ko na po masagot ‘yung tanong. Ha! Ha! Ha! Hindi ko pa masagot ‘yan,” pakli ni LJ.

Pero puwedeng maganap in the future?

“Sana naman. Sana naman, ‘di ba? Tingnan natin kung may forever.”

Feeling ba niya, si Paolo na ang forever niya?

“Again, sana naman, ‘no! Kasi siyempre, gusto ko rin naman na magkaroon ng buong pamilya si Aki,” sambit ni LJ, na kasama sa cast ng ‘viruserye’ ng GMA na The Cure.