Abante Tonite Interactive

Lito Lapid dedma sa anak

3,618

Napaiyak si Ysabel Ortega nang mapag-usapan ang kanyang amang si former Sen. Lito Lapid sa panayam niya with Boy Abunda sa Tonight with Boy Abunda.

Up to now pala ay wala pa rin siyang communication sa ama at makikita mo sa young actress ang sakit na nararamdaman.

Noon pa ay naikuwento na ni Ysabel na noong bata siya ay close siya sa kanyang ama pero bigla nga silang nawalan ng contact.

“So I contact his aide,” she said.

“Of course po, I always think of my dad. So whenever it’s his birthday, I always make it a point na I make sure to greet him, and every holidays, lagi ko pa rin pong binabati and of course, I’m hoping that someday, we. . . I get to see him again,” emosyonal na pahayag ng dalaga.

Tinanong ni Kuya Boy kung sumasagot ba ang ama nito sa mga pagbati niya at sey ni Ysabel ay hindi raw.

“I still have love for him, I still respect him as my Dad and he’s one of the reasons why I joined show business. Because I look up to him. He’s one of my role models and I’m very proud to have him as my father,” she said.

Mensahe niya sa kanyang ama, “papa, if you’re watching, I really miss you and nandito lang po ako and no matter what happens, I will always be here and I will always be your daughter, and I will always love you and I will always have respect for you.”

Sinabi rin ng dalaga na sana raw ay proud sa kanya ngayon ang ama.

Si Ysabel ay anak ni Sen. Lito sa dating aktres na si Michelle Ortega na ikinasal last January sa police gene­ral na si Greg Pimentel.