Abante Tonite Interactive

Pinto Art Museum sa Antipolo

By
3,809

Perfect place para sa mahilig sa art at sa mga nag-art-art (ehan) ang Pinto Art Museum. Malayo sa maingay at mausok na buhay-lungsod dahil makikita ito sa Antipolo City na napaliligiran ng mara­ming puno at mga ha­laman.

May malawak na hardin ang museu­m na hitik ng Mediterranean-inspired architecture. Maraming mga painting, sculpture at art installation na naka-display mula sa mga amateur at professional Filipino artist.

Taong 2010 nang buksan sa publiko ang Pinto Art Museaum at simula noon, hindi nawawalan ng bisita ang museum na paboritong pasyalan lalo na ng mga estudyante. Ang ‘pinto’ ay salitang Filino sa ‘door’ na sumisimbolo sa museum bilang ‘gateways to the arts’.

Malawak ang garden at may upuan na pwedeng pagpahingahan ng mga bisita. Presko at hayahay na pasyalan. May mga restaurant sa loob na pwedeng kainan­. Mabubusog ang mga mata sa magagandang art and nature. Halos lahat ng sulok ng museum ay Instagram-worthy kaya tara na sa Pinto Art Museum!

How to get there: Kung galing sa Cubao, puwedeng sumakay ng UV express o jeep papuntang Antipolo sa harap ng Farmers Market. May iba pang terminal sa Veler­o St. sa likod ng RCBC Plaza sa Makati. Ang landmark sa Pinto Art ay ang Ynares Center bagama’t mas malapit ang ruta kung galing ka sa simbahan ng Antipolo para dito ka na sumakay at magpahatid sa tricycle papun­tang Pinto Art Museum.

Entrance fee: P200 (re­gular); P180 (senior citizens, PWDs) P100 (children, students). Bukas ito simula alas-nuebe ng umaga hanggang alas-sais ng gabi, Martes hanggang Linggo.