Abante Tonite Interactive

Jessy atat nang pakasal kay Luis

By
4,851

After mag-Avengers Infinity War moviedate ng mag-inang Jackie Forster at Andre Paras, si Kobe naman ka-date ni Jackie sa first night ng Bruno Mars concert nu’ng Huwebes sa MOA Arena.

“When your prayers are turning into reality. Ano­ther date night with another super pogiiii, Koko Paras.

“Nobody ‘wake me’ please. I’m having the best dreams ever. #HabaNgHair Rapunzel si mama,” ang masayang caption ni Jackie sa pic nilang mag-ina.

“We were dancing our asses off. LMAO. I LUV YA MOTHER DEAREST,” ang sweet na comment ni Kobe sa Instagram post ng kanyang Mommy Jackie.

Sabi pa ni Jackie sa kanyang Instagram story, they danced all night ni Kobe sa concert ni Bruno.

Nanood din ng 24K Magic World Tour ni Bruno ang Kapuso lovebirds na sina Barbie Forteza at Jak Roberto.

Magkayakap ang JakBie at feel na feel ang pag-sing–along sa hit songs ng Fil-Am singer. Panay ang tili ni Barbie kay Bruno.

May video ang dalawa na kumakanta sila ng Marry­ You at sabay pa sila sa linyang, “Who cares baby, I think I wanna marry you!” tapos ay ang sarap ng tawa ni Barbie.

Kasamang nanood ng JakBie ang mommy at daddy­ ni Barbie, na mukhang close na close na kay Jak.

Magka-date din sa concert sina Luis Manzano at Jessy Mendiola. May IG story si Jessy na ang caption niya sa pic nila ni Luis ay, “Hey you, I think I wanna marry you.”

So, ayun na. Si Jessy na mismo ang nagsabing gusto niyang pakasal kay Luis. Kailan kaya magpo-propose si Luis, na nag-37-anyos na last month?

Magkasama ring nanood ang mag-loveteam na Bianca Umali & Miguel Tanfelix, at ang magdyowang Aljur Abrenica & Kylie Padilla.

Si Vice Ganda ay dalawang miyembro ng Hashtags ang ka-join sa concert.

Si Ogie Alcasid ay ka-date ang daughter niyang si Leila Alcasid na rave na rave si Bruno Mars.

Ang mag-asawang Carmina Villarroel at Zoren Legaspi ay ka-date ang twins nilang sina Cassy & Mavy.

Si Nico Bolzico ay ang sister na si Josefina Bolzico at si Joyce Pring ang kasama sa MOA Arena dahil ang misis nitong si Solenn Heussaff ay nasa Dubai, may Kapuso show with Dennis Trillo.

Nanood din si Dawn Zulueta with her family, ka-bonding nila si Bongbong Marcos and wife Liza Araneta sa isa sa corporate suites ng Arena.