Abante Tonite Interactive

Mga barangay narco-official kasuhan na

By
864

Kasuhan na ang mga opisyal ng barangay na kasama sa narco-list.

Ito ang apela ni Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe.

Sa ganitong paraan ayon sa solon ay mabibigyan ng tsansa ang mga opisyales ng barangay na kabilang sa drug list na patunayan kung talagang sangkot man sila o hindi sa kalakaran ng iligal na droga.

“I do hope they should file the proper cases against these officials so they can be booted out from office or if not, clear their names,” pahayag ni Batocabe na masugid na tagasuporta ng kampanya laban sa iligal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nitong Lunes, inilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pangalan ng 207 barangay chairman na diumano’y dawit sa kalakaran ng iligal na droga.

Umaabot sa 70 na kabilang sa barangay narco-list ay sinasabing nasa rehiyon ng Bicol.

Pero nilinaw ni Batocabe na ang problema sa bawal na gamot ay hindi lamang nakasentro sa isang rehiyon.

“The drug menace is still a challenge and I do believe that this problem persists not only in Bicol, but in the entire country as well. Hence, our police and PDEA especially should exert more efforts to ferret out these drug pushers and bring them to justice,” hirit ni Batocabe.