Abante Tonite Interactive

Ariza kinakailangan

By
3,980

Sa edad na papuntang 40, kailangan ni Manny Pacquiao ang isang strength and conditioning coach na makatutulong sa kanyang nalalapit na pakiki­pagbasagan ng mukha sa mas bata at knockout artist na si Lucas Mathysse ng Argentina.

Tinatawagan si Alex Ariza!

“For Manny to regain his old form, he needs an efficient training now more than boxing strategies. He already got the skills. What he need back is his explosiveness, his power, his speed to get back on the elite level of the game. For him to be relevant again as he do few more fights, He needs Alex Ariza back,” pag-aanalisa ni Estace Yambot sa philboxing.com

Huling naka-knockout win pa si Pacquiao noong 2009 nang tatlong ulit pabagsakin ng si Puerto Rican Miguel Cotto.

Sa nasabing laban, andun si Ariza na katuwang ni American trainer Freddie Roach sa preparasyon ni Pacquiao.

Pipiliting sikwatin ng eight-division Pinoy champion ang WBA welterweight belt ni Matthysse sa Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.