Abante Tonite Interactive

Alaska arangkada sa opensa

By
834

Parang bagong langis na makina ang Alaska Biyernes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum, nagsalansan ng dambuhalang 134 points kasabay sa pag­limita sa Columbian Dyip sa 103.

Ayon kay PBA chief sta­tistician Fidel Mangonon III, huling umiskor ang Aces ng at least 134 points sa isang PBA game ay da­lawang taon halos bago ipinanganak si Jeron Teng. Fifth pick overall ng Alaska noong 2017 draft si Teng, 24 na noong March 21.

Pinakamaraming puntos na iniskor ito ng Alaska sa isang PBA game sapul nang ilista ang 137-120 win kontra Presto Tivoli noong March 22, 1992 sa PBA First Conference elims nang umiskor si Winston Crite ng 46 at may 42 si Bong Alvarez.

Ang 31-point win na rin ang largest margin of victory sa PBA mula Jan. 14 nang tambakan ng Aces ang Kia 102-65 sa Big Dome din.

Isa pang trivia, most points ang 134 ng Alaska sa PBA pagkatapos tambakan ng TNT ang Phoenix 134-109 sa Commissioner’s Cup elims noong March 26, 2017 sa Antipolo.