Abante Tonite Interactive

Jed sumawsaw kina Sarah at Angeline

By
4,593

Nagkomento na rin sa isyu nina Sarah Geronimo at Angeline Quinto si Jed Madela.

Idinaan ng world-class singer sa Twitter post ang mensahe niya na kung saan ay ipinagtanggol si Angeline.

Matatandaang nabugbog ng panlalait sina Angeline at Morissette Amon matapos mapabalitang pinagtawanan daw ng dalawang ASAP singers ang emotional speech ni Sarah sa Las Vegas.
@jedmadela, “Sad to read hate tweets lalo na sa mga kasama ko sa industriya. Please, let’s not base our reactions on hearsays.”

“I don’t think it’s right to react to mere reactions. Find legit proof and not because you “heard it somewhere”. I understand how fans feel for their idol but stop and think first before exploding. #MuchLove,” dagdag pa niya.

Parehong kasama ni Jed sina Sarah at Angeline sa ASAP.

May mga kumampi sa opinyon at pana­wagan ni Jed.

Well, wala pa namang nam-bash kay Jed sa tweet niyang ito.

Pero kung sakali man, siguradong dedma lang ang singer lalo na sa mga namimintas sa kanyang chubby look.

Sabi pa nga nito sa kanyang Twitter, “thank you mejo nasobrahan ako ng biyaya sa laki ng katawan eh, kaya bina-bash.”