Abante Tonite Interactive

Turn off for: Filipino Pagkamatay ni Fr. Ventura ‘wag isisi sa gobyerno — Duterte

By
1,080

Dapat alamin ang tunay na motibo sa pagpaslang kay Father Mark Ventura sa Gattaran, Cagayan, sa halip na sisihin ang gobyerno.

Inihayag ito ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa harap ng mga patama ng grupong Anakbayan at ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan sa gobyerno­.

Ayon sa Pangulo, walang dahilan para patayin ang pari kaya dapat alamin din ng mga naninising grupo kung ano ang tunay na motibo ng krimen.

“There’s a priest who died there, have you considered other angles? Why should we kill a priest? I am being blamed,” anang Pangulo.

Si Father Ventura ay binaril at napatay ng hindi nakilalang salarin pagkatapos nitong magmisa noong nakaraang Lingg­o at hanggang ngayon ay wala pa ring makita ang mga awtoridad na malinaw na dahilan kung bakit ito pinatay.

Sinabi ni Senador Pangilinan na ipinagmamalaki ng Duterte administration ang bumabang bilang ng krimen at pagtutok sa law and order, suba­lit hindi nagawang maproteksiyunan ang isang paring nagsusulong ng adbokasiya laban sa illegal mining at pagtulong sa mga ka­tutubong grupo.

Bumanat naman ang grupong Anakba­yan at isinisi ang pagkamatay ni Father Ventura sa aniya ay pasista at mala-mafia style na pangangasiwa ng Duterte administration sa bansa.