Abante Tonite Interactive

Sarah nag-sorry kay Angeline

By
3,468

Lalong humanga si Angeline Quinto kay Sarah Geronimo nang humihingi ng dispensa ang Popstar Royalty sa kanya dahil sa pangba-bash ng Popsters (tawag sa fans ni Sarah).

“Ayoko na pong sabihin ‘to,” Quinto said, “pero sobra akong lalo humanga kay Sarah, kasi nakatanggap po ako ng message sa kanya, at humihingi po siya ng sorry sa akin,” ang pahayag ni Angeline sa panayam sa kanya ni MJ Felipe ng TV Patrol aired last Friday.

“Maayos kasi kami ni SG, e. Wala akong kahit anong… Wala akong kuwestiyon sa ugali ni Sarah, simula noon. Bata pa lang kami, magkaki­lala na kami. Kaya nasasaktan din po ako na nangyayari ito sa amin, na ang daming taong nadadamay,” dagdag pa ni Angeline.

Obviously, sobrang naapektuhan ang singer ng naranasang pangba-bash na pati ang pamilya niya ay idi­namay.

“Kaya kong tanggapin lahat ng masasakit na salita na ibabato sa akin, kahit anon’g salita, kahit pinakamasakit na salita sa buong mundo na ibibigay sa akin, pero huwag na huwag lang sana ‘yung mama ko.

“Lahat ginagawa ko para sa nanay ko pero ‘yung murahin ‘yung nanay ko ng ganu’n-ganu’n lang, ‘yun ‘yung hindi ko mapapalagpas,” ang umiiyak na sabi ni Angeline bilang sagot sa isang basher na minura sila ni Morisette at binastos ang magulang bukod pa sa nagbanta na ipatutumba sila.

Muli ay nilinaw ng singer na walang katotohanan ang isyung pinagtawanan nila ni Morisette ang pagbe-breakdown ni Sarah G.

“Hindi ako abnormal na tao na pagtawanan ang sakit na nararamdaman ng isang tao, lalo si Sarah Geronimo pa. Kaya ganoon din kalakas ang loob ko na humingi ng ebidensya sa mga taong nagsasabi ng masasakit sa akin,” pahayag ni Angeline.

Samantala, nagbigay na rin ng pahayag si Morisette tungkol sa issue at aniya, nakakalungkot na napakara­ming naniwala sa maling tsimis kahit wala namang ebidensiya.

“To say na I’m someone who would be laughing at someone as big as Sarah Geronimo, na sobrang ina-idol ko, grabe naman sila na binabaliktad nila ‘yun,” ani Morisette.

Sa kasalukuyan daw ay pinag-aaralan na nina Angeline at Morisette ang pagsasampa ng kaso laban sa ilang netizens.

***

Ice Seguerra ‘di kinaya ang politika

Ngayong wala na sa public service si Aiza ‘Ice’ Seguerra, balik na siya sa pagkanta na hindi niya naasikaso noong time na nakaupo siya bilang chairperson ng National Youth Commission.

Bagama’t nakakatanggap naman daw siya ng shows noon ay limited lang talaga at tuwing weekends lang dahil nga sa trabaho niya sa NYC.

Nakatapos na nga raw siya ngayon ng pagre-record ng apat na kanta at malapit na itong ma-release.

Talaga raw sigurong hindi siya para sa politika at mas masaya raw siya talaga sa pagkanta.

Wala naman daw siyang naging regrets sa pagpasok niya sa public service at sa halip ay nagbukas pa raw ito sa kanyang mata ng mara­ming bagay.

“Kung baga before, akala ko, when you say government, parang maraming corrupt, maraming ganyan, nakita ko, marami palang mabait. Marami palang masipag. Nakita ko, maraming hardworking.

“Pero nakita ko rin na iba rin ang case of crab menta­lity within. May ganu’n. So talagang napakalawak niya. And it’s really a different animal. It’s just that siguro, I like the public service part, but the politics, I cannot stand,” he said.

Aminado siyang mas palaban sa kanya ang misis niyang si Liza Dino.

“‘Yang asawa ko, talagang palaban ‘yan. Ako talaga, napaka-introvert kong tao, eh. Ang ugali ko, kung ayaw mo, wag mo. But my wife, actually, she’s perfect for the job coz he’s very headstrong, talagang. . .Kahit ako, napapasunod niya ako, eh,” pahayag pa ni Ice.