Abante Tonite Interactive

Baby ni Heart inaabangan ng mga advertiser

By
3,736

Finally ay magiging mommy na si Heart Evangelista-Escudero.

Kahapon ay masayang i-announce ni Heart via an Instagram post na magkaka-baby na sila ng mister niyang si Senator Chiz Escudero.

“The greatest of blessings all in God’s perfect timing! Our beautiful fami­ly just got a little bigger. We can’t wait to meet you little one…” ang caption ni Heart sa sweet pic nila ni Chiz na may hawak siyang onesie na pang-baby.

Mukhang sakto sa schedule ang pagbubuntis ni Heart dahil lagi niyang sinasabi noon na plano na niyang magka-baby this year.

33-anyos na ang Kapuso actress na ikinasal sa Balesin nu’ng 2015.

Ang sabi ng netizens, sana ay girl ay maging anak ni Heart dahil siguradong magiging fashionista rin ito katulad niya.

Parang nai-imagine na namin na ganda-gandahan pa rin si Heart at very fashionable pa rin kahit naka-maternity dress na ito at palaki nang palaki ang tiyan.

Siguradong marami ring mga advertiser na mag-aabang sa baby niya para kunin ito for baby products.

Siyempre ay natuwa ang mga taga-showbiz sa good news ni Heart.

Blessing talaga ang pagkakaroon ng baby, kaya lahat ay happy para kay Heart.

Halatang excited na ang mommy-to-be dahil gumawa agad si Heart ng cover na ‘Mommyhood’ sa kanyang Instagram story highlights, na nilagyan niya ng image ng isang pregnant woman.
Congrats, Heartie!!!