Abante Tonite Interactive

Biado, De Luna sablay sa korona, P470K dala

By
1,503

Bigong babalik ng bansa sina Carlo Biado at Jeffrey de Luna tapos masilat kahapon kina Kong Dejing at Wang Ming ng China B, 1-9, sa US$250,000 12th World Cup of Pool 2018 sa Luwan Gymnasium, Shanghai, China.

Sawimpalad ang da­lawang Pinoy cue artist sa quarterfinals kontra Chinese at bibit lang na pauwi nila ang $9,000 (mahigit P470,000), hindi naibigay sa bansa ang magiging pang-apat sanang titulo sa taunang tumbukan.

Namayagpag sina Efren Reyes/Francisco Bustamante noong 2006 sa New Wales at 2009 sa Quezon City, at Dennis Orcollo/Lee Van Corteza sa London noong 2013.

“Yesterday we practiced really late because we knew we were facing really strong opponents and we had to work out our chemistry. We performed much better today,” ani Kong sa pamamagitan ng interpreter.