Abante Tonite Interactive

P1.50/liter oil price hike nakaamba sa susunod na linggo

By
2,417

May nakaambang malakihang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa su­sunod na linggo.

Base sa advisory ng Department of Energy­ (DOE), maaa­ring umabot sa P1.50 hanggang P1.60 ang dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina at P1.00 hanggang P1.10 naman kada litro­ sa diesel.

Habang ang presyo ng kerosene, posibleng tumaas ng P0.85 hanggang P0.95 kada litro.

Kadalasang ipina­patupad ng mga kom­panya ng langis ang price adjustmen­t tuwing araw ng M­artes.

Noong Mayo 15, nagtaas din ang mga kompanya ng langis ng P1.10 kada litrong dagdag sa gasolina at P1.20 kada litro naman sa diesel.

Dahil sa mga sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng diesel, nagpetisyon na ang mga grupo ng jeepney operator sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa P2 dagdag sa pasahe at P1 dagdag tuwing rush hour.