Abante Tonite Interactive

Papalit kay Ombudsman Morales babae rin?

By
1,814

Posibleng babae rin ang susunod sa yapak ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa kabila ng paha­yag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayaw niyang magtalaga ng babae sa babakantehing puwesto sa Office of the Ombudsman.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na matunog ang pangalan ng isang babaeng kandidato na nasa listahan ng mga irerekomenda ng Judicial and Bar Council (JBC) kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Ito naman, hindi ko sinasabi na ito ay katotohanan, ang vetting baka nga po babae ang susunod na Ombudsman. Dahil ang sabi ng mga nakakausap ko sa lahat ng listahan diyan, eh may malakas daw diyan na babae na malapit na malapit kay Presidente at pinaniniwalaan ni Pre­sidente dahil sa kaniyang kakayahan bilang isang abogada,” ani Roque.

Sa sampung aplikante sa posisyon ng Ombudsman, si Atty. Edna Herrera-Batacan ang nag-iisang babae. Siya ay naging abogado ni Duterte noong alkalde pa ito ng Davao City at nagtanggol din sa mga kasong kinaharap ni dating first gentleman Mike Arroyo

Lumutang din ang pangalan ni Atty. Aileen Lizada ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung saan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang nag-endoso­ sa kanya pero hindi naman ito kasama sa listahan ng JBC.