Abante Tonite Interactive

8K miyembro ng CPP-NPA sumuko

402

Umaabot na sa mahigit 8,000 miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang nagbalik-loob sa pamahalaan simula pa noong 2017, ayon sa ulat ng opisyal ng Philippine Army (PA) kahapon.

Ayon kay PA Spokesperson Col. Ramon Zagala, ang nasabing bilang ng mga nagsisuko ay lumobo mula nang ipatupad ng pamahalaan ang programang Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-Clip.

Ang E-Clip ay isang assistance program ng gobyerno sa mga rebel returnee na gusto ng magbagong buhay.

Nagbibigay ang E–Clip ng P15,000 suportang pinansyal, P50,000 livelihood program at karagdagang halaga pa sa mga baril na kanilang isusuko na umaabot sa P12,000 hanggang P210,000 depende sa uri at dami ng isusukong baril ng isang rebel returnee.

Bukod sa nabatid na programa ay nagpatayo din ang gobyerno para sa mga rebel returnee na tinatawag na halfway house, na magiging rehabilitasyon, healing session, edukasyon at skilled training para sa mga ito. (Edwin Balasa)