Abante Tonite
Mabilis sa Balita

8M Covaxin dose darating sa Mayo

0 289

Inanunsyo ni Philippine Ambassador to India Ramon Bagatsing Jr. na aabot sa walong milyong dose ng Covaxin ang darating sa Pilipinas bago matapos ang Mayo.

“In summary we will have 8 million by the end of next month, that’s the Covaxin,” ayon kay Bagatsing.

Aniya, doble kayod na ang Bharat Biotech para sa paggawa ng bakuna dahil sa patuloy na tumataas na demand.

“Bharat can only sell from USD15 to USD20 per dose and I think the distributors were able to buy it cheaper than USD15 so it is affordable, it is adequate and available. I hope that we get through all the regulatory approvals so that it can be rolled out, it can be shipped, and it can be there by end of the month,” aniya.

Pinag-aaralan din umano ng pamahalaan ang pagbili ng Covavax mula sa Serum Institute sa India.

“If everything goes well, 30 million yan that the Philippine government is buying and hopefully by September this year dadating yan,” dagdag ng ambassador. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.