Abante Tonite
Mabilis sa Balita

8th seed sasakmalin nina Zion, Pelicans

0 202

BALIK na sa New Orleans Pelicans ang kanilang star rookie na si Zion Williamson.

Iniulat ni Adrian Wojnarowski ng ESPN na tapos na ang quarantine ng forward at puwede nang bumalik sa ensayo.

Lumabas ng NBA bubble sa Orlando Si Williamson noong July 16 dahil sa isang family emergency. Bumalik siya ng July 24 at agad pumasok sa self-isolation.

Makakapag-ensayo pa siya at matatasahan kung handa na sa restart.

Uumpisahan ng Pelicans ang final eight games ng regular season kontra Utah Jazz ngayong July 31 (araw sa Manila).

Sa kasalukuyan, 2 ½ games ang New Orleans sa likod ng ng eighth-seeded Memphis Grizzlies.

Para makapasok ng postseason, kailangan ng Pelicans na agawin ang eighth seed ng at least four games o kumapit sa ninth at manatiling four games sa likod ng No. 8. Sa pangalawang senaryo, magkakaroon ng play-in series at kailangan ng No. 9 na manalo ng dalawa bago makaisa ang No. 8 para masikwat ang playoff berth.

Sa 19 games ngayong season, nag-average si Williamson ng 23.6 points, 6.8 rebounds at 2.2 assists. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.