Abante Tonite Interactive

8th UNTV Cup 2019 dribol na – Razon

0 172

Habang tumatagal ay dumarami ang mga team sa UNTV Cup tapos sumali ang Social Security System at Department of Environment and Natural Resources sa ikawalong edisyon na tatalbog ngayong araw sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

May 12 koponan na ang maglalaban sa annual men’s basketball tournament.

Ayon nitong Linggo kay UNTV President at CEO Dr. Daniel Razon, isang laro lang ang magaganap sa opening day sa event na tinawag na “Ang Liga ng Public Servants” at malalaman ang maglalaban sa bunutan.

Simula ng mag-umpisa ang liga may pitong taon na ang nakararaan, sinabi ni Razon na mahigit P50M na ang kanilang nai-donate sa charity institutions. Kasama rito si Bro. Eli Soriano bilang isa sa major sponsors.

“Aside from fostering camaraderie among the public servants, we want these government agencies to be given opportunities to help their chosen charities,” saad ni Razon na tinapik na commissioner si PBA legend Atoy Co.

Hinhirit ni Razon na magdo-donate ang defending champion Armed Forces of the Philippines ng P4M sa AFP Educational Benefits System Office bilang dagdag sa pondo para sa education ng anak ng mga fallen soldiers.

“It is our own way of helping the children of our fallen comrades,” ani AFP team captain Sgt. Alvin Zuñiga. “Kaya we will do our best again to retain our title dahil marami pa kaming matutulungan.”

Ang ibang mga kasali ay ang two-time champion Judiciary, Philippine National Police, Department of Agriculture, Ombudsman, GSIS, Malacañang, Philippine International Trading Corporation, National Housing Authority at PhilHealth. (Elech Dawa)