Abante Tonite
Mabilis sa Balita

9-anyos nalitson sa kidlat

0 94

Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng 9-anyos na batang lalaki makaraang tamaan ng kidlat habang naliligo sa buhos ng ulan noong Huwebes sa Rosales, Pangasinan.

Sa report ng Rosales Police Station, isinalaysay umano ng ina ng biktimang si Jeanlyn na niyaya ang kanyang anak ng mga kalaro nito para maligo sa ulan subalit tumanggi ang paslit dahil takot siya sa kidlat.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Subalit makalipas ang ilang minuto, hindi umano namalayan ng ginang na sumunod din pala ang biktima sa kanyang mga kalaro at naligo na rin sa ulan.

Ayon sa salaysay ng mga kalarong bata ng biktima, abala silang naliligo sa ulan hanggang sa nakita na lamang nilang nakabulagta si Jeanlyn at umuusok ang katawan habang sugatan naman ang isa pa nilang kalaro.

Agad na dinala sa ospital si Jeanlyn ngunit idineklara itong dead on arrival ng doktor na sumuri sa kanya dahil sa tinamong 3rd degree burn sa katawan dulot ng kidlat. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.