Abante Tonite Interactive

9-anyos sex slave ng ama

0 199

Swak sa kulungan ang isang 35-anyos na ama makaraang ireklamo ng paulit-ulit na panggagahasa sa kanyang sariling anak sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Sta. Maria, Bulacan.

Base sa ulat Sta. Maria Police kasong kriminal ang kakaharapin ng suspek na itinago sa alyas na Bert para sa proteksyon ng kanyang 9-anyos na anak.

Nagsimula umano ang panggagahasa ni Bert sa kanyang anak noong 2014.

Nang maulit ang panggagahasa sa kanya ay naglakas-loob na itong nagsumbong sa kanyang guro na sinamahan naman ang bata para iulat ang krimen sa pulisya.

Patong-patong na kasong kriminal ang kakaharapin ng suspek habang dinala naman ang paslit sa Provincial Crime Laboratory Office-Malolos City upang sumailalim sa genital examination. (Jun Borlongan)