Abante Tonite
Mabilis sa Balita

9 balyena patay sa Catanduanes

0 121

Nasa siyam na melon-headed whale ang nakitang patay sa dalampasigan ng Barangay Bonot, San Andres, Catanduanes Huwebes ng umaga.

Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol spokesperson Nonie Enolva, kabilang ang mga patay na mammal sa 70 melon-headed whale na binabantayan ng ahensiya dahil sa mass stranding na resulta ng blast fishing.

“Mass stranding happens when these animals are found close to shallow waters and at risk (of) becoming stranded,” aniya sa ulat ng PNA. Nananatili aniyang nakatungo ang mga balyena para makahinga pero dahil sa pagpapasabog ay nawalan ng balanse at koordinasyon sa paglangoy.

“Since they are experiencing trauma, they need to go to the shoreline to breathe,” dagdag niya.

Batay aniya sa inasal ng mga balyena ay nagtamo ang mga ito ng acoustic trauma. Ayon pa sa BFAR, dapat pang masuri ang mga sugat ng balyena para malaman ang sanhi ng ikinamatay ng mga ito.

Ani Enolva, ang nasirang tenga ng mga balyena ay maaaring pruweba na biktima ang mga ito ng blast fishing. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.