Abante Tonite Interactive

9 Chinese binubugaw sa mga SEA Games visitor

407

Nasagip ng mga awtoridad ang siyam na babaeng Chinese na pinaniniwalaang biktima ng human trafficking sa Mabalacat, Pampanga.

Ang nasabing mga babae, ayon na rin sa pulisya ay sinasabing binu­bugaw sa mga delegado o foreign ­client na nasa bansa ngayon para sa ginaganap na 30th Southeast Asian (SEA) Games partikular na sa mga lugar sa Pampanga and Tarlac.

Ayon kay Police Col. Rhoderick Armamento, deputy director for operations ng Central Luzon police, tatlo sa mga Tsino na nagsisilbing bugaw at miyembro umano sa international prostitution ring ay nadakip sa isang police operation.

Kinilala ang mga itong sina Fan Jianwu, tubong Hube, China; Wang Xiankai, ng Sichuan and isang Jeff.

Nakumpiska sa mga suspek ang P6,000 cash, mobile phone, kahon-kahong condom, passport, identification card at Toyota Vios sedan.