Abante Tonite Interactive

9 dayuhan, na-rescue sa Samar

By
734

Nasagip ang siyam na dayuhan habang naglalayag sa karagatan ng Northern Samar matapos magkaproblema ang makina ng kanilang sinasakyang barko kamakalawa.

Sa paunang ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), nailigtas ng mga rescue team mula sa Laoang, Northern Samar ang siyam na mga tripulante ng barko mula sa China.

Nabatid na dumanas ng problema ang makina ng kanilang barko habang nasa gitna sila ng karagatan dahil sa malakas na ulan.

Dahil dito, pinasok ng tubig ang naturang barko na naging sanhi upang magpasaklolo ang mga tripulante.

Napag-alaman na ang barko ay patungo sana ng Chile nang ito ay madiskaril dahil sa malalakas na alon dulot ng bagyong Agaton.