Abante Tonite
Mabilis sa Balita

9 dinakma sa Marikina buy-bust

0 79

Kulungan ang bagsak ng siyam na katao matapos mahuli sa buy-bust operation sa Brgy. Concepcion Uno, Marikina City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Eastern Police District, ikinasa ang buy-bust ng mga tauhan ng Marikina Police-Station Drug Enforcement Unit bandang alas-7:20 ng gabi sa Bantayog St., Brgy. Concepcion Uno base sa natanggap na impormasyon na may drug den sa lugar.

Arestado ang mga suspek na kinilalang sina Christine Padilla y Abulan, 34; Rafael Pascua y Bulaon, 44, pintor; Charmaine Dianne De Leon y Peralta, 35; Alex Florencio y Manahan, 61; Irene Lacap y Cruz, 48; Rush May Bayan y Tan, 23; Argell Joseph Corneja y De Guzman, 34; Ryan Manahan y Manlapas, 41; at Ralph Jason Arenal y Remigio, 33.

Pawang residente ng Marikina ang mga suspek.

Nakumpiska umano mula sa mga suspek ang anim na plastic sachet na naglalaman ng tatlong gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P20,400, drug paraphernalia at narekober din ang P500 buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Marikina Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.