Abante Tonite
Mabilis sa Balita

9 galamay ng NPA balik-loob sa gobyerno

0 223

Siyam na dating miyembro umano ng New People’s Army (NPA) ang nagbalik-loob sa pamahalaan sa patuloy na pagtataguyod ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) sa Nueva Ecija.

Ayon kay P/Lt. Col Alexander Aurelio, 1st Provincial Mobile Force commander, 5 sa siyam na dating rebelde sa Brgy. Tugatog, Bongabon ay nagsuko ng mga armas na gamit nila habang aktibo pa umano sa kilusan.

Kinilala ang mga nagbalik-loob na sina alyas ‘Jackson’, nagsuko ng 5.56 improvised rifle; ‘Jerry’ na may M-16 armalite rifle; ‘Lando’ na may Cal. 38 revolver; ‘KLG’ na may shotgun; ‘Solie/Eva’ na may cal. 45 pistol; ‘Bay’, ‘June’, ‘Mylene’, ‘Rod’, at alyas ‘Lani’.

Idinagdag ni Aurelio na naisagawa ang panghihimok sa mga ito sa tulong ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit-NEPPO, Bongabon at Gabal­don police at mga elemento ng Army mula sa 703RD Brigade at 91st IB, 7ID. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.