Abante Tonite
Mabilis sa Balita

9 grupo ng negosyante tinukuran si De Lima

0 49

Nanawagan ang siyam na grupo ng mga negosyante sa administrasyong Duterte na tingan muli at timbangin ang mga kaso kay Senador Leila de Lima matapos bumaligtad ang dalawang testigo laban sa kanya.

Sa inilabas na pahayag ng mga negosyante, binigyang-diin na limang taon na ang nakalipas mula nang arestuhin at ikulong si De Lima. Nabasura na umano ang isang reklamo laban sa mambabatas ngunit hindi naman sumusulong ang iba pa niyang kaso sa korte.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Giit ng mga negosyante na napakatagal na panahon ang makulong ng limang taon at hindi naman sinusulong ng prosekusyon ang kaso. Sagrado sa Saligang Batas ang karapatan ng bawat mamamayan sa due process at kalayaan at ito ang pundasyon ng isang lipunan na makatao at makatarungan.

Kasama sa grupo ng mga negosyante ang Filipina CEO Circle, Institute for Solidarity Asia, Integrity Initiative Inc., Judicial Reform Initiative, Makati Business Club, Movement for Restoration of Peace and Order, Philippine Women’s Economic Network, The Outstanding Women in Nation’s Service, at Women’s Business Council Philippines Inc. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.