Abante Tonite Interactive

9 ipinasarang minahan puwede nang buksan

210

Matapos ipasara at ibaba ang parusa sa suspensyon, maaaring tuluyan muling payagan ng Department of Environment and Natu­ral Resources(DENR) ang pagbabalik-operas­yon ng 9 na minahan sa bansa kung itatama ng mga ito ang kanilang pagkakamali at susunod sa environmental regulations.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, kung mabubuksan muli ang 9 na minahan ay magbibigay-daan ito para lumakas ang nickel output ng bansa.

Nabatid na bago isara ang operasyon ng nasabing mga minahan ay ikalawa ang Pilipinas kasunod ng Indonesia sa pinakamalaking nickel producer sa bansa.

“On top of the payment of the fines and penalties, these companies were directed to undertake corrective measures within a timetable. Failure to do so will mean a reinstatement of the closure order on the mines but the sooner they complete the corrective measures, the sooner their suspension will be lifted,” ayon sa DENR.

Sinabi ni Environment Undersecretary Analiza Teh na ilan sa dapat na isagawang corrective measures ay pagkuha ng mga safety engineer at permit application for mine discharge.

Samantala, dala­wang mga nickel mine at isang iron ore produ­cer ang tuluyang ipi­nara kamakailan ng DENR dahil sa mga paglabag gayunpaman maaari umano nilang iapela kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang closure order habang pinayagan naman nito ang mu­ling pagooperate ng Berong Nickel Corp, isang diversified conglomerate ng DMCI Holdings Inc.