Abante Tonite
Mabilis sa Balita

9 kalaboso sa pagsusugal

0 53

Nalambat ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) ang siyam katao na sangkot sa iligal na pagsusugal sa ikinasang magkakahiwalay na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (Sacleo), kamakalawa ng hapon.

Sa San Juan City ay nahuli ang apat na nagma-mahjong makaraang makita ng mga nag-iikot na pulis ang mga suspek na nagsusugal sa loob ng bahay sa Road 1 Alley 4, Brgy. West Crame.

Nakilala ang mga suspek na sina Glenda Miranda, 63-anyos, Janet Lim, 41; Gina Castro, security guard, at Jelyn Velasco, pawang mga residente ng San Juan City.

Related Posts

Nahuli naman ng mga tauhan ng Pasig Police-station drug enforcement unit (SDEU) ang tatlo katao na nagsusugal ng cara y cruz na kung saan shabu ang pantaya sa Rodriguez Compound, Brgy. Rosario, Pasig City.

Arestado sina Merlinda Collado, 30, online seller; Elmer Salasibar, 47, construction worker, at Junel Avila, 26, pawang mga residente ng Rodriguez Compound.

Nakumpiska mula sa tatlong suspek ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng shabu, isang sachet ng dahon ng marijuana at bet money. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.