Abante Tonite
Mabilis sa Balita

9 kinalawit sa online sabong

0 282

Hindi makaporma sa aktuwal na sabong, lumipat sa online ang siyam na katao pero nabisto rin sila ng awtoridad na kanilang ikinaaresto sa isinagawang operasyon sa mismong terminal ng sasakyan sa Indang, Cavite nitong Huwebes.

Kinilala ang naarestong sina Jerrylan Basas, 36, Operator; Bayani Bago, 55; David Jimenez, 59; Romeo Rodriguez, 63; Andy Estores, 40; Leopoldo Masaga, 60; Michael Hermoso, 35; Joel Pelle, 37; at Rey Binondo, 32.

Sa ulat ni P/SMSg. Marvin Camerino ng Indang Police Station, alas-2:50 kamakalawa ng hapon nang magsagawa ng anti-illegal gambling operation ang Indang MPS matapos makatanggap ng tawag na isang online sabong ang isinasagawa sa terminal ng sasakyan sa Indang-Tagaytay sa Poblacion 1.

Naaktuhan umano ang mga suspek na nagpupustahan online na kanilang ikinaaresto.

Narekober mula sa lugar ang isang cellphone, isang TV at higit P1,000 pusta. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.