Abante Tonite Interactive

9 Koreano tinimbog ng NBI

0 297

Inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang walong Korean national kabilang ang isang wanted sa South Korea dahil sa paglabag sa phishing noong Agoto 10 sa Angeles City, Pampanga.

Iprinisinta ni NBI Director Dante Gierran ang mga suspek na sina Jung Ju Wan, Kim Tae Yang, Oh Young Seong, Song Jong Min, Jin Jun Young, Kim Dae Hyun, Sung Won Kang, Yeong Hak Tak at Young Jo Choi.

Ang pag-aresto sa mga dayuhan ay nag-ugat sa impormasyon na tinanggap ng NBI-Special Action Unit (NBI-SAU) kaugnay sa iligal na aktibidad na ginagawa ng mga suspek sa dalawang residente sa Angeles City.

Nagagawa umano ng mga suspek na mailipat sa iba’t ibang bank account ang kanilang bibiktimahin na nasa ilalim ng kanilang control sa pamamagitan ng ginagamit na fraudulent acquired bank card at password machine. (photo/story: Juliet de Loza-Cudia/Jonas Sulit)