Abante Tonite Interactive

9 kulong sa pagtatapon ng basura ng SoKor

0 423

Arestado ng National Bureau of Investigation-Environmental Crime Division (NBI-EnCD) ang siyam katao kabilang ang dalawang Chinese national at pitong Pinoy na sangkot sa pagtatapon umano ng hazar­dous waste mula sa South Korea sa karagatang sakop ng Cabangan, Zambales.

Kinilala ni NBI Deputy Director Vicente De Guzman III ang dalawang Chinese nationals bilang crew ng Liberian-registered vessel MV Dayang Century, na sina Huizu Hua, vessel master, at chief mate Wang Aimin.

Kabilang naman sa mga naarestong Filipino sina Danny Banes, Clie­ford Calingacion, Alberto Rendon, Edgardo Aquino, at Eddie Singuelo Sr., gayundin ang broker na sina Benjamin Bautista at Jesse Sunga.

Nabatid na ang mga suspek ay naaresto noong Nobyembre 22 sa karagatang ng Cabangan, Zambales, ng pinagsanib na tauhan ng NBI-EnCD at Philippine Coast Guard (PCG).

Nalaman na ang barko ay may lamang 53,000 metric tons ng toxic wastes na phosphogypsum, isang radioactive byproduct mula sa ferti­lizer production. (Juliet de Loza-Cudia)