Abante Tonite Interactive

9 MPD official sinibak sa naglipanang illegal vendor sa Binondo

451

Siyam na opisyal ng Manila Police District (MPD) Station 11 ang pinasibak ni Mayor Isko Moreno matapos umanong madiskubre na pinapayagan ang mga illegal vendor na magtinda sa lugar na kanilang nasasakupan pagsapit ng gabi sa Binondo.

Kabilang sa mga pinasibak ni Moreno kay MPD director PBGen. Vicente Danao ay kinilalang sina PLtCol Antonietro Eric Mendoza, PMajor Robinson Maranion, PMajor Alden Lee Panganiban, PCapt. Jerry Garces, PCapt.

Bernardino Ventjrina, PCapt. Manuel Calleja, PLt Jerry Caneda, PLt Maricel Pili, at PLt Maribel Fiedacan.

Itinalaga naman ni Danao bilang bagong hepe ng MPD-Station 11 si PLtCol Noel Calderon Aliño.

Ayon kay Moreno, magsilbi sanang babala sa lahat ng opisyal ng MPD ang ginawang pagsibak sa mga nabanggit na opisyal na hindi nakikiisa sa isinasagawang pagsasaayos sa Lungsod ng Maynila.

“Pagtalikod namin, saan ka nakakita na iyong Major, utusan ng Barangay Chairman, either na hindi nila nakikita o wala silang ginagawa,” ani Moreno. (Juliet de Loza-Cudia)