Abante Tonite
Mabilis sa Balita

9 na araw

0 173

Likas na sa mga kababayan nating Pilipino ang pagkakaroon ng matinding pananampalataya at masidhing debosyon.

Marami ang naniniwala na kapag nakumpleto ang siyam na gabi ng Misa de Gallo, tiyak na matutupad ang hiling mo. Kaya naman hindi alintana ng marami ang panganib na dala ng COVID-19 transmission.


Nagsimula na nitong Miyerkules ang nakaugaliang simbang gabi at magtatapos sa araw ng Pasko, kapanganakan ni HesuKristo.

Sa ibang simbahan na may anticipated mass, Martes ng gabi sinimulan ang Misa de Gallo. Sa maraming simbahan naman, alas kuwatro ng madaling araw o mas maaga pa ang takdang oras ng misa. 


Sa Metro Manila, pinaiksi ang curfew hours para bigyang-daan ang simbang gabi – 12am hanggang 3am na lang ang curfew. Ganyan din ang sinusunod sa iba pang lugar na nasa ilalim ng MGCQ o modified general community quarantine. 


Hanggang 50% ng venue capacity ang puwedeng papasukin sa loob ng simbahan. Nagpapa-fillout muna ng health declaration form sa labas. Bago pumasok, iche-check din ang bpdy temperature.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa upuan naman, hanggang 3 lang ang puwede dahil kailangang sundin ang ipinatutupad na social distancing. Hindi rin papapasukin ang deboto na walang suot na face mask at face shield.


Kanya-kanyang dahilan ang mga deboto sa kanilang pagsisimba. Iba-iba ang ipinapanalangin. Pero isa ang tiyak – bukod sa pagpapasalamat, may hinihiling tayo sa Panginoon. Naniniwala ang marami na kapag nakumpleto ang siyam na araw ng simbang gabi, siguradong ‘wish granted’.

Pareho lang din daw ‘yan ng novena masses na kailangang tapusin ang siyam na araw na pagdarasal.


Hindi naman isinasantabi ng kura paroko ng Diocesan Shrine of Saint Augustine sa Tanza, Cavite na si Rev. Fr. Virgilio ‘Vir’ Mendoza na common belief talaga ito sa mga Katoliko. Itinuturing daw itong devotional act gaya ng novena na kailangang kumpletuhin ang siyam na araw.

Pero ayon kay Fr. Vir, depende pa rin daw ito kung paano tayo mamumuhay. Ika nga ‘Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.’ Dagdag pa ng pari, ‘We pray, we put our trust in the Lord but at the same time, we have to do something in order to attain what we desire.’

ReplyReply allForward

Leave A Reply

Your email address will not be published.