Abante Tonite Interactive

9 na lindol naitala sa Bulkang Mayon

By
71

Muling nagbuga ng usok ang Bulkang Mayon at nakapagtala ng 9 na volcanic earthquakes sa loob ng nakalipas na 24 oras, ayon sa Phi­lippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa inilabas na advisory ng ahensiya, nanatili sa Alert Level 2 ang Mayon na nangangahulugan na nasa moderate level of unrest ang bulkan.
Patuloy ang kanilang monitoring at sa ngayon umano ay wala pang sapat na basehan para itaas ang alert level.

Ang sulfur dioxide emission ng bulkan ay naitala sa 1,377 tonnes/day at may napansing bahagyang pamamaga sa paanan hanggang gitnang bahagi nito na indikasyon na may namumuong magma sa loob.

Binalaan na ng Phivolcs ang mga residente sa posibleng biglaang pagsabog at pagbuga ng bulkan ng lava, pyroclastic density current at ash fall.

Umiiral ang 7 kilometer-radius Extended Danger Zone mula sa Anoling, Camalig hanggang sa Sta. Misericordia at Sto. Domingo.

Ipinagbabawal na din ang paglipad ng mga eroplano malapit sa bulkan.