Abante Tonite Interactive

9 na-sandwich sa nagsalpukang trak

0 165

Pisak at todas ang dalawang pahinante habang pito ang sugatan nang madaganan ng nagsalpukang dalawang truck sa kahabaan ng national highway ng Aguilar, Pangasinan kamakalawa.

Kinilala ni Aguilar Police Station (APS) P/Lt. Dario Ico, ang mga biktima na sina Jose Dadibas at Willy Sagsagat, kapwa pahinante at nakatira sa nasabing lalawigan.

Samantala, ang mga sugatan ay sina Eugene Bangaoisan; Dante Ugriano; Glenn Sison; Joey Martin; Michael San Antonio; Erwin Barte at Ramon Rodriguez.

Sa imbestigasyon ayon na rin kay Ico, kasaluku­yang tumatahak sa magka­bilang linya ng kalsada ng Pangasinan-Tarlac Road sa Brgy. Bucallo, Aguilar ang dalawang truck ng isa sa kanila ay ma-flat-an ng unahang gulong sanhi nito upang mawalan ng kontrol at sinuwag ang isa pang trak kung saan nakasakay sina Dadibas at Sagsagat.

Dito, bumaliktad ang truck at nadaganan ang dalawang biktima na uma­bot ng mahigit sa isang oras bago sila nakuha ng mga awtoridad.

Nagpagewang-gewang din ang isang truck at nadamay ang pitong sugatan kasama ang dalawang motorcycle rider.

Agad na isinugod ang mga sugatan sa iba’t ibang pagamutan sa naturang bayan. (Allan Bergonia)