Abante Tonite
Mabilis sa Balita

9 nagsabong sa palengke, kalaboso

0 71

Huli ang siyam katao matapos maak­tuhan umano ng mga awtoridad na nag o-online sabong sa pub­lic market sa Brgy. Vacunero, Sto. Domingo, Ilocos Sur kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Sto. Domingo Police Sta­tion (SDPS) ang mga suspek na sina Ray­mund Rubina, Jr., 34-anyos; Alex Torda, 48; Julymar Begarin, 38; Joselito Yandok, 31; Erwin Nationales, 30; Jose Tabin, 27; Bryan Pangramuye, 37; Leo Tabusares, 35, at Jericho Tobias, 34, pawang mga residente ng nasabing bayan.

Sa report ng SDPS, bago ang insidente, may nagsumbong na isang concerned citi­zen na malapit sa Sto. Domingo Public Mar­ket kung saan nagsa­sagawa umano ang si­yam ng online sabong, na mahigpit na ipinag­babawal doon.

Pagkatanggap ng re­port, agad nagsagawa ang SDPS anti-illegal gambling unit ng operasyon at naaktuhan ang mga suspek na naglalaro ng online sa­bong.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang cellphone na gamit nila sa online sa­bong at P7,465 na bet money.

Nasa kustodiya ngayon ng SDPS ang mga suspek at nahaha­rap sa kaukulang kaso. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.