Abante Tonite
Mabilis sa Balita

9 pagyanig naitala sa Pinatubo

0 84

Siyam na volcanic earthquake ang nairehistro kahapon sa Bulkang Pinatubo.

Ayon sa bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nakataas ang alert level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugang “may bahagyang pagligalig sa ilalim ng bulkan.”

Dahil dito ay patuloy na pinaalalahan ng Phivolcs ang mga residente sa palibot ng bulkan na mag-ingat. “Ang mga pamayanan at lokal na pamahalaan sa paligid ng Pinatubo ay pinaaalahanan na laging maging handa laban sa mga panganib ng lindol at pagputok ng bulkan at muling suriin, ihanda at pagtibayin ang kanilang contingency, emergency at iba pang planong paghahanda laban sa sakuna,” babala ng Phivolcs.

Leave A Reply

Your email address will not be published.